Thursday, January 4, 2018

Note to self


Habol habol ng habol sa taong pilit naman lumalayo. Kumakapit pa rin ako sa pag asa na magkakaayos kami at maibabalik sa dati ang samahan naming apat kahit alam ko naman nang wala na. Na nasa harapan ko na yung sagot na kaya nilang maging masaya kahit wala ako sa eksena. Pero pilit ko pa rin sinusuksok sarili ko. Bumalik na naman ako sa dati na parang nanglilimos na naman ako ng atensyon mula sa ibang tao para maintindihan ang pinagdadaanan ko. Para may masabing may kakampi ako. Para maramdaman kong importante ako. Para maramdaman na may kapatid ako. Para maramdaman na may kaibigan ako. Pero tang ina, nakakapagod na. Pero paulit ulit yun ang nangyayari.


Makailang ulit na akong nagmakaawa pero parati pa rin iniiwan. It was my fault. Kaya nangyayari ito. Tapos na. Tapos na ang araw na makikita ninyo na kami ay kumpleto pa. Tumatawa at umiiyak ng magkakasama. Pero wala, lahat ay gagawin ko nang mag-isa.


Dumating na ako sa punto na naawa na ako sa sarili ko. Tama na. Dapat ka nang sumaya. Sumaya at maging malaya sa pagkakalugmok at pagkakagapos sa anino nila. Bitaw na at harapin ang katotohanan na sila ay wala na at naiwan ka mag isa. Nakaya mo noon na wala sila, sigurado, mas kakayanin mo ngayon sa piling ng iba.


Thanks to those who stick with me sa pinaka downfall ng buhay ko. Yung hindi nangiwan kahit ang hirap ko pakisamahan. Yung nag tyaga sa pakikinig sa mga kadramahan ko sa buhay at patuloy na nagmamahal. Yung tanggap ako ng buong buo.


Nakalipas na ang mga sakit. Nagbago na ang pagsasamahan na dati ay ubod ng saya. Masanay ka na. Wala na siya. At darating ang panahon, mawawala sila.


Paalam. Paalam sa dating pagsasamahan. Sa kapatirang iniwan na kasama ang bakas at alaala ng nakaraan. Salamat. Salamat sa mga alaala na hanggang doon na lang talaga. Isang alaala.


Oras na para sarili ko naman ang mahalin ko. Mabuhay sa mundong dati ay may tayo ngunit ngayon ay naging na lang Ako.


No comments: