Okay, lumabas na ang latest issue ng Stateans ng CBSUA. And as usual, ang una kong hinahanap eh yung ISYU-DANTE, na tumatalakay sa mga issue ng mga estudyante sa loob ng campus. Pero tinawag ang akingpansin ng isa kong katrabaho sa isang article na katabi lang ng ISYU-DANTE.
Ito yung nakasulat [with my own notations inside the brackets and sinadya kong i censored ang isang word para hindi maging bulgar sa blog na ito. Pero sa mismong article na naka publish, hindi yung naka censored]:
The STATEANS
Official Student Publication of the Central Bicol State University of Agriculture
Vol. XXXVII No. 2
October - November 2012 Issue
Take it to the Sky
by John David Panaligan
Page 13
TAP OUT
Kung ikaw ay mahilig sa martial arts, malamang alam mo kung ano ang ibig sabihin ng salitang "Tap-out".
Ang ibig sabihin nito ay surrender na. May iba't-ibang klase ito. Ang isa nito ay ang pagtapon ng puting tuwalya sa ring, at 'yung isa na angkop sa pinag-uusapan natin ay 'yung norman na makikita sa UFC at WWE kung saan hinahampas na ng wrestler ang kanyang mga palad sa ring habang siya ay naka-lock.
Siguro Mag-iisip kayo kung bakit ito 'yung opinyon ko ngayon.
Medyo matagal na nga para pag-usapan pa, kasi nga gusto na ng [iba na] ibaon sa limot ang di-makataong pagtrato sa mga estudyante, pero isipin niyo na halos hindi kayo makatulog sa gabi kapag naiisip niyo ang mga nangyari no'ng mga panahon na iyon.
Sige, para sa kaalaman ng nakararami, ito ang nangyaru:
Ipinatawag ang lahat ng lalaking estudyante na nakatira sa MTB Dorm upang pag-usapan at alamin kung sino ang "bastos na taga-bundok na tuma* sa sahig ng shower cubicle ng MTB dorm". Pero as expected, walang umamin. Sino naman kaya ang gustong mabugbog sa pagkakataong 'yon ng galit nang lahat dahil sa kabastusang nangyari?) [sic] Nang biglang may dumating na lalaki na kilala sa tawag na Mr. Yanson na biglang pumasok sa eksena na animo'y hukom at siyang itinalaga sa MTB upang mamahala nito. Siya'y galit na nagtanong sa amin kung sino daw ang tuma* sa shower room. Kinalaunan, naging mainit ang sitwasyong may nag lakas-loob magsalita hinggil sa mga pinagsasabi ni Mr. Yanson na, "Lahat ng nag-aaral dito sa CBSUA, lahat kayo mahihirap! Kung mayaman ka, eh di sana doon ka sa Ateneo o saan mang Unibersidad sa Naga nag-aaral. Hindi dito sa CBSUA". Animo'y isang pedestal na walang sinuman ang pwedeng makaabot habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Lalo pang uminit ang eksena nang mainis na ang guro at nagsabing: "Kung isay an maorag d'yan, madya na digdi sa enotan ta mag-One-on-One (suntokan) kita, ta makusugon ang boot mong bastuson ang dormitorying iniyo. Madya na!" ["Kung sino matapang d'yan, halika na rito sa unahan at mag one-on-one tayo, at ang lakas ng loob mo na bastusin ang dormitoryong ito. Halika na!"], [k]ahit nga ako, halos 'di ko maisip na magagawa 'yun ng isang guro na nirerespeto bilang isang propesyonal. Mas lalo pang naging mainit ang mga eksena nang makaisip mismo si Mr. Yanson ng animo'y "solusyon" upang ang lahat ay maparusahan sa nangyari. Ang lahat ng mga lalaking Dorm occupants ng MTB ay humimas sa NAGLILIMAHID at WASAK na ta* sa CR ng Shower Cubicle habang nakabantay si Mr. Yanson. May mga umiyak dahil di sila makapaniwala na pinapagawa sila ng gano'ng kasuklam-suklam na bagay. May mga nasuklam at may mga nagalit dahil labag sa kaloobang pinagawa sa amin. Sabi nga, may mga matitigas talaga na hindi lumabas ng kanilang kwarto upang makipagdaupang-palad sa ta*.Pagkatapos ng animo'y sukatan ng pagiging lalaki, kami'y pinagsabihan ng "Salamat sa pakikipag-cooperate n'yo", ni Mr. Yanson.
"No person shall be deprive of life & liberty without the due process of law, nor any person shall be denied the equal protection of law", ayon 'yan sa Bill of Rights na pinag-aralan namin sa asignaurang Philippine Constitution sa mismong Unibersidad na ito. Kaya tanong ko lang, bakit kailangan nating kunin, pag-aralan at unawain ang mga yunits nito kung hindi naman natin ito gagamitin? At nakakatawang isipin na sa mismong bahagi ng Institusyong ito pinagwa ang kasuklam-suklam na bagay na ito. CBSUA, isa sa mga prestihiyosong Unibersidad na maituturing dito sa Bikolandia, ngunit sa isang iglap at pangyayaring naganap ay pwedeng mawala ang inaasahang mataas na edukasyon at karangalan na pinagsisikapang abutin.
Kung ikaw ay isang magulang na nagpapaaral dito, isang guro na nagtuturi, isang matalinong estudyante o isa sa mga haligi ng institusyong ito, tatanungin kita: Kung ikaw ang magbibigay disiplina sa MTB dorm occupants, gagawin mo ba ang ipinagawang iyon? At kung ikaw naman ay isa sa mga estudyante na kabilang sa nakipagdaupang-palad sa sahig ng shower room na may ta*, ano kaya ang magiging saloobin mo? Kung ikaw naman ay nasa larangan ng medisina o may sapat na kaalaman sa kalusugan, ano ang magiging opinyon mo nito? Sa mga magulang na nagpapaaral sa Unibersidad na ito, na nagsusumikap sa pagtatrabaho upang matustusan lamang ang pag-aaral ng pinakamamahal ninyong anak, ano ho ang saloobin niyo sa pinagwa sa inyong anak?
Walang kaso ang pagpataw ng parusa bilang pagdidisiplina sa taong nagkasala, ngunit kailangan mong isaalang-alang ang batas na umiiral sa ating bansa, maging ng institusyong kinabibilangan mo. Kailangan mo ding isaisip na dapat maging kaswato [sic "kawasto"] ito ng batas na naglalaan ng proteksyon sa bawat tao.
sa mga naging bahagi ng isyung ito, marahil masakit sa loob niyo ang ipinagawa sa atin noong July 16, 2012. Pero ito na siguro ang panahon upang magsalita tayo. iwasan na ang pagmumura habang nakatalikod si Mr. Yanson, iwasan na ang pagtatrash talk sa kanya. Alam ko ang pinagdadaanan ng iba sa inyo na halos 'di makatulog at naiiyak kapag naiisip ang mga pangyayaring iyon, at ang iba pa nga'y lumipat na ng tirahan. Ito na siguro ang panahon upang basagin na ang katahimikan at humiyaw ng HISTIYANG [sic "HUSTISYANG"] matatawag. Sana'y maging halimbawa ito upang hindi padalus-dalos at panatilihing maging mahinahon habang nahaharap sa isang mainit na mga sitwasyonh [sic] tulad no'n. Sa may kagagawan ng trahedyang ito na tuma* sa sahig ng shower Room, sana 'wag mo nang gawin ang mga bagay na ginagawa mo sa inyo, 'wag mo nang dalhin sa Unibersidad na ito.
Kaya sana Central Bicol State University of Agriculture, ipadama mo sa amin na ikaw ay may tenga para marinig ang aming tinig at sana ay ipadama mo ang iyong kapangyarihan, na dito, mayroon kaming seguridad na matatawag upang sayp'y magtiwala.
Susubukan ko munang hingin ang opinyon ng mga kaibigan kong manunulat (Student and Professional Writers) ukol sa content at maging sa manner ng pagsusulat niya bago ako magbigay ng aking sariling kuro.