I don't know if many of my friends noticed my silence in FB, Messenger and Instagram since Friday. I came to the lowest point of my life that I really gave up from it. I finally attempted to end my life last Friday.
But what really happened?
Dumating na ako sa point na masyado na akong lugmok. Masyado nang masakit ang nangyayari sa akin. Hindi pa ako nakakatakas sa sakit ng pagkawala ni Mama, dumadagdag pa ang mga pangyayari na lalong nagpapabigat ng damdamin ko at nagpapasakit ng ulo ko.
Yung nagiisang tao na inaasahan ko para iangat ako sa pagkakalugmok ko, bakit siya pa ang taong dumidiin at nagtutulak sa akin sa kadilimang aking pinagkukublian. Imbes na makakuha ako ng suporta galing sa ama ko, siya pa ang panay ang sambit ng mga masasakit na salita na lalong nagpapahina ng kalooban ko. Sa kanya dapat ako huhugot ng lakas ng loob eh. Pero bakit ganoon? Sadyang malayo ang loob ko sa kanya. Sa totoo lang, mas gusto ko pa na siya ang nawala at hindi si mama! Pero wala eh, nangyari na yun. Kaming dalawa na lamg dapat ang magtutulungan. Pero bakit?! Ang hirap ng sitwasyon ko kapag naanjan siya. Ni minsan, wala akong nakuha sa kanyang suporta para lumakas ang loob ko. Lalong akong pinanghihinaan.
Hindi ko magawang mag open up sa kanya ng mga pinagdadaanan ko kasi alam ko na hindi naman niya ako maiintindihan, sa halip ay paniguradong pagsasabihan pa niya ako at sisisihin sa mga pangyayari. Uungkatin na naman ang mga nakalipas at sa akin na naman ang sisi.
Yung mga kaibigan ko naman, masyado na atang nasanay na malakas ang loob ko at nakalimutan na nilang tao pa rin ako. Kailangan ko ng karamay para maitawid ang bawat araw na halos gusto ko nang mawala ng parang bula! Para akong isang payaso sa entablado na handang magpasaya ng mga manonood pero sa pag baba ng telon at pagpunas ng make up, tatambad ang isang umiiyak at malungkot na tao. Durog ang puso. Wasak ang pagkatao.
Sa kaibigan lang ako humuhugot ng lakas ng loob, pero bakit sa mga nagdaang araw, isa na rin sila sa nagpapadagdag ng sakit? Pasensya ha, pero sadyang mahina ako. At simple lamg naman ang hangad ko, ang iparamdam ninyo na naanjan kayo (hindi lang sa mga salita... iparamdam at ipakita naman ninyo). Yun lang sana. Pero wala rin. WALA RIN KAYO!
And nung Biyernes, hindi ko na talaga kinaya. Hindi ako pumasok ng umaga pero Kinahapunan ay pumasok na ako (kahit hindi pa kaya ng katawan at isipan ko, napilitan akong bumangon upang matakasan ang sangkatermang litaniya na naman ni papa patungkol sa akin sa pagiging pabigat, walang kuwenta at inutil na anak!) Pagkabangon ay dagling naligo, nagbihis at umalis. Pag dating sa opisina, magpagsasabihan ka pa ng boss mo dahil hindi ka pumasok ng umaga pero nanahimik ng malamang masama pa rin ang pakiramdam ko. Napansin niya na matamlay ako ng oras na iyon pero pilit kong ginawa ang trabaho ko. Sa inis ko, nagpost pa ako sa Facebook My Day ko ng:
Mga ilang minuto pa lang ng pinost ko iyon ay agad na nag message sa akin si Mui, nagtatanong kung ano iyon. Pero hanggang dun lang. Wala nang mga sumunod pa na chat.
Pagsapit ng ika lima ng hapon, umalis ako ng opisina at pabalik ng naga ay pinagiisipan ang kung ano ang gagawin ko. Sa oras na iyon, desidido na ako. Gagawin ko na kinagabihan. Sa biyahe, masaya pa akong nakikipag biruan sa mga nakasabay ko na kaopisina pero lingid sa kanila ay ang madilim na utak ko. Mula sa SM na binabaan namin, naglakad ako patungo sa hindi ko pa mawari ng mga sandaling iyon. Lakad. Lakad. Lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng Southstar Drug at bumili ng 30piraso ng gamot na aking iniinom bawat ikalawang araw. Pero sa gabing iyon, taliwas sa tamang paginom ang balak ko. Iinumin ko iyon ng sunod sunod hanggang sa bumigay ang katawan ko. Marahil sa isip ninyo ay simple lang pero kung nakita na ninyo ang epekto sa katawan ko ng bawat isang tableta ng gamot na iyon, malalaman ninyong hindi iyon basta pag inom lang. Isang tableta pa nga lang, ang lakas na ng side effect sa akin, 30 pa kaya?! At sunod sunod pa!?!
Pagkabili ko, pilit kong iniwasan ang mapadaan sa San Francisco dahil mula sa labas ay matatanaw ko ang Birhen na siyang naging sandalan ko noon. Lakad ako ng lakad at di ko namalayan na pabalik ng Market ang tinatahak ko. Hindi ako huminto ng makarating ako ng Market, sa halip ay naglakad pa papalayo dito hanggang sa napadpad ako ng Tabuc at may kung anong humila sa akin papasok ng Simbahan. Doon ko nakita ang imahe ng Itim na Nazareno. Ang imahe na isang taon pa lang ang nakakalipas ay kasama ko pa si Mama sa pag bibigay pugay sa Señor. Nung isang taon pa lang ay masaya ko pang sinamahan ang señor sa pagikot sa Centro ng Naga na hindi alintana ang lakas ng ulan. Kasama ko pa noon sa prusisyon ang dalawa sa itinuring kong pinakaimportanteng kaibigan ko. Pero sa taong ito? Wala na si Mama samantalang walang kaalam alam ang dalawa. Naupo ako at tinitigan lang ang Señor. Ng gabing iyon din pala siya bibihisan kaya pinanood ko ang pagbihis sa kanya. Literal na naka titig lang ako. Ni hindi ako nagdasal o kahit man lang mag tanda ng Krus ng pagpasok ay hindi ko ginawa. Nang matapos ang pagbibihis, lumapit ako sa Señor at muli, tinitigan ko lang siya saka umalis ng simbahan.
Mula Tabuco, muli ay naglakad dahil nakaramdam ako ng gutom. At isa lang ang hinahanap kong pagkain ng sandaling iyon.
Diretso ako ng Barlin pero sadyang hindi ko ata maiiwasan ang kanina ay pinagtataguan ko dahil ang napakalaking Imahe ni INA, sa malayo pa lang ay tanaw ko na. Nakaharap sa akin. Nakatingin. Naka bantay. Diretso ako sa paborito kong kainan para sa huling pagkakataon sana ay makain ko ang paborito ko. SISIG IS LIFE sabi ko pa noong sandaling iyon sabay tawa.
Sa sandaling iyon, panay text at tawag na si papa sa akin. Ng muli kong tignan ang My Day ko, nakita na pala niya iyon kaya panay ang tawag at text niya. Pero ni minsan ay hindi ko sinagot ang mga iyon.
Nag pasya ako ng sandaling iyon na mag uninstall na ng mga Social Media Apps ko ng walang pasabi kahit kanino.
Pagkakain, muli, oo, tama ka, naglakad na naman ako. Naglakad mula Barlin pauwi ng bahay sa Concepcion. Doon, ko wawakasan ang pait na nararamdaman ko.
(Details to be posted. Ang sikip na naman ng dibdib ko)
Monday, January 8, 2018
End... almost
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Nong! Sorry for not being there when you needed me the most, remeber i'll always here �� please dont ever do anything you'll regret forever, We love you nong ��
Post a Comment