Tuesday, September 17, 2013

Perfection?!

Never fake yourself just to look perfect. PERFECTION is never REAL and REALITY is never PERFECT.

Thanks sa nag forward nito sa akin and I think tama ka, ako nga ang pinapatungkulan nito.

I just to say na ni minsan hindi ko sinabing ako ay perpektong tao. Ni minsan hindi ko sinabing magaling ako. Kung ano man ang mga ginagawa ko, bukal yun sa loob ko at ginusto ko yon, hindi dahil sa kung ano mang rason. Never ko ginawa ang isang bagay para magpasikat. Kahit sa UNC o sa Opisina, ganoon ako! Kaya yan patunayan ng mga ka-org ko at kaopisina ko.

Kung sa tingin ninyo ay iniaangat ko ang sarili ko para kumampi sa akin ang mga matatanda, I'm sorry but I don't do that. Hindi ako ang tipo ng tao na ganyan. Hindi ko po kasalanan na madami akong idea na nagugustuhan nila. Hindi ko kasalanan na ang oras at debosyon ko sa mga gawain/proyektong ibinigay sa akin ay sinisiguro kong maayos.

Sana maintindihan ninyo yan at huwag basta humusga. Oo, inamin ko na noon pa na may kasalanan ako sa inyo, kaya nga nananahimik na lang ako sa tuwing mababanggit kayo sa kadahilanang ayaw ko na ng gulo. Kung ano man ang nasabi o mga sasabihin ng iba, sariling paniniwala na nila yun.

Kaya kung maaari lang, itigil na natin ito. Harapan mo na lang akong konprontahin para wala ng madamay pa na ibang tao nd once and for all, matapos na ang lahat ng mga issue.

No comments: