Tuesday, October 12, 2021

Bitaw Na

Minsan, darating talaga yung point na wala kang ibang puwedeng gawin kundi ang sumuko na rin lang. Malalaman mo na lang, binitiwan ka na pala. Pagod na. Suko na.

Ikaw naman si tanga na naniniwala at umaasa na kaya niya. Na importante ka. Pero tama sila, kung importante ka at mahal ka niya, hindi ka niya iiwan kahit ano ka pa. Kahit ikaw na ang pinaka masamang tao o nakakapagod pakisamahan na tao, hindi yan magsasawa at mapapagod sa iyo. Magpapahinga lang yan, pero ang pagmamahal at pag-aalala, andiyan pa din. Pero sa kasong ito, kailangan tanggapin na kahit katiting, wala na. Tapos na talaga ang masayang sandali na inyong pinagsamahan.

Ang nakakalungkot lang, naging tapat ka. Naging isang mahalang bahagi siya ng buhay mo at inalagaan at minahal mo siya higit sa iba.

Pero magkaganoon man, at least, hindi ikaw ang unang nang iwan. Sinubukan mong ipaglaban. Nagmakaawa na huwag muna, na ibalik na lang sa dati. Pero sadyang wala na. Tapos na. Masakit, pero kailangan tanggapin.

Bitaw na. Dahil tapos na.

No comments: