I don't know pero ang sakit sa pakiramdam. Alam ko, may kasalanan ako sa iyo. Alam ko na galit ka sa akin. Alam ko din na sinusumpa mo na ako.
Pero you know what, I still care for you! You will always have a special part in me and my family. You will always be my son and nothing can change it.
Kahit ang sakit sakit na ng nararamdaman ko, still, I am hoping that someday, makikita ko pa rin ang mga ngiti sa labi mo. Marinig ang boses mo na tinatawag ako na "Papa". Kahit alam ko na binura mo na ako sa buhay mo.
Hindi kita aalisin, hindi kita buburahin. Dahil kapag ginawa ko yun, pakiramdam ko masasaktan kita. And kasabay noon, doble ang sakit na mararamdaman ko.
Sa nalalapit mo na Birthday, I just want you to be happy. Kahit wala ako. Kahit wala na ako. Stay happy and continue dreaming!