I am a proud Marian Devotee. Public knowledge yun. Kaya naman nung nakita kl sa Facebook and IG ang tungkol sa Tres Coronadas ng Diocese of Antipolo, sinet ko kagad ang utak ko na dapat makapunta ako dun.
Ano ang Tres Coronadas?
Kaya siya tinawag na Tres Coronadas dahil sa tatlong natatanging Coronada ng Diocese ng Antipolo.
UNA ang bagong Coronada ng Bayan ng San Mateo, Nstra. Sra. De Aranzazu.
PANGALAWA ang Reyna ng Bayan ng Marikina, Nstra. Sra. De los Desamparados ng Marikina o mas kilala bilang Mama OLA.
PANGATLO ay ang Reyna ng Diocese ng Antipolo, Nstra. Sra. De la Paz y Buen Viaje o Birhen ng Antipolo.
Ang Tres Coronadas ay ang hudyat rin ng pagtatapos ng Pilgrim Season at Anibersayo ng ika-90 taon ng pag putong ng Corona Canonical ng Birhen ng AntipoloSa kaunaunahan at pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama ang tatlong Birheng Coronada sa isang natatanging pagtitipong ito na nagtapos sa isang Prosisyon.
It was a journey na tumatak sa puso ko bilang isang Deboto. Nabigyan ako ng pagkakataon na mabisita at mabawasan ang nasa listahan ng mga Coronadang Birhen na aking bibisitahin.
Tuesday, July 18, 2017
Tres Coronadaz: My Diocese of Antipolo Adventure
Subscribe to:
Posts (Atom)