Wednesday, May 1, 2013

Anti-Corruption


Hindi ko alam kung pano ako makakatulong kay papa ngayong eleksyon. Aaminin ko, noon ayaw na namin ni mama na pumasok pa siya sa magulong pulitika sa Cabusao... Masakit sa ulo, masakit pa sa bulsa!

Hindi ko na kailngan pa ilahad dito kung bakit ko nasabi na masakit na sa ulo pati sa bulsa dahil sigurado ako, alam na yan ng mga taga cabusao.

Pero sa ilang buwan na nagbabasa ako sa COI Group ng cabusao, dun ko naisip na kung hindi manalo si papa, maaaring magpatuloy ang ganoong kalakaran.

KORUPSYON, yan ang talamakang nagaganap sa maliit namin bayan! Yan ang matinding hinain at dahilan kung bakit nahihirapang bumangon ang aming bayan!

Dahil sa bagay na iyan, bigla kong naalala yung dalawang bagay na nagpabago sa aking desisyon at napiling muling suportahan ang aking ama sa kanyang krusada. Ayaw ko na sana, pero kung hindi ngayon, kailan pa mapipigilan ang talamakang pangungurakot ng mga tiwaling opisyal?

Sa mga taga cabusao, kung inyo pong matatandaan noong panahon pa ng ama ng kasalukuyang alkalde, si papa ang nagsiwalat ng anomaliya sa mga EXPIRED NA GAMOT na binili ng munisipyo. Hindi ko alam kung bakit expired ang binili, pero isa lang ang sigurado, mga gamot ito na para sa mga mamamayan ng cabusao! Mga gamot na nasayang dahil hindi naman napakinabangan! Pondo ng bayan na napunta sa isang walang kuwentang mga gamot! Iyan, si papa ang nag bulgar at nakarating ito sa local na media. Tanda ko pa noon na grabe ang tinamong pambabatikos kay papa dahil sa ginawa niyang ito, pero nanindigan siya dahil karapatan ng mga taga cabusao na malaman ang totoo!

Pangalawa ay ang nadiskubre ni papa na korupsyon ng dalawang dating Municipal Treasurer ng cabusao. tulad ng nauna, ito ay ipinaglaban ni papa. Pinuntahan niya ang Provinvial Office ng COA upang humingi ng tulong pero bigo siya mula dito. Kaya naisipan niyang idulog ito sa National Office ng COA at mula doon ay nagkaroon ng pag-asa na mapaalis ang tiwaling opisyal ng gobyerno. Nasampahan ang Municipal Treasurer ng kaso sa Ombudsman at dito ay nahatulan itong guilty. Pinilit ko sana na hanapin ulit yung desisyon ng ombudsman sa internet para ito'y ipabasa pero bigo ako, pero siyempre, hahanapin ko ulit iyon.. hehehe...

Bukod dito, kinuwestyon na rin ni papa noon ang maling kalakaran ng pag gamit ng Ambulansya... Na batid ng mga taga cabusao na mas madalas sa hindi na ito'y ginagamit na PERSONAL SERVICE ng mangilan-ngilang tao sa kanilang personal na mga lakad. At sa tuwing ito'y gagamitin sa mga EMERGENCY CASES, kailangan na yung gagamit pa ang mag bigay ng pang gasolina para magamit ito. Kung wala, edi pasensya na lang ang drama. kuwento sa akin ni papa noon, may monthly allotment ang ambulance na 10K (hindi ako sigurado) para sa gasolina ng ambulance. Kung merong ganitong allotment, asan napupunta ang allotment dahil pinagbabayad pa ng gasolina ang mga gagamit nito?

Sa loob ng anim na taon, nawala sa posisyon si papa, pero ang serbisyo niya ay hindi natigil. Patuloy na nakakatanggap kami ng mangilan-ngilang kababayan na humihingi ng tulong, lalo na sa tuwing may mga pasyente sila sa hospital. Kahit alanganing oras, bukas ang aming tindahan kaya madali kaming nalalapitan.

Palaging nagiging issue kay papa ang pag tira nito sa Naga. Pero ito lang naman ang palagian at simpleng sagot niya... Nasa naga ang negosyo namin. Nasa naga ako nag aaral at sa naga namin kinukuha ang ipinagbubuhay namin. Sa loob ng halos labin-limang taon niya sa posisyon, wala ni isa ang makapagsasabing naging marangya ang aming pamumuhay. Dati ang tindahan namin, sira-sira ang bahay sa cabusao maging sa naga. Patotoo na ni minsan ay hindi naging sangkot sa muruming gawain. Bagkus, naging kalaban ng mga tiwali! Ang sinasabi nilang taga naga at hindi taga cabusao ang siyang nakadiskubre ng mga katiwaliang nabanggit.

Ngayong eleksyon, Independent ang posisyon na tinatakbo ni papa. Pero ang partido niya ay li beral. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit Liberal siya pero wala siya sa opisyal na line up ng liberal. Simple lang ang sagot ko jan at ito ay aking sariling kuro, siguro ay takot siya na kunin si papa dahil alam niya ang prinsipyo na ipinaglalaban nito. Bakit nga ba naman ako kukuha ng kasamahan sa line up at tutulungang manalo na sa huli, alam ko rin namang magiging sakit ng ulo ko! Para rin lang siya niyan kumuha ng bato na ipupukpok sa sarili niyang ulo!

Ang ibang isyo sa cabusao ay hindi ko masasagot dahil aaminin ko na hindi ko iyon alam, pero sa korupsyon, yan, may alam ako kahit papano.

Kaya ako gumawa nito ay para ipaliwanag na rin sa inyo kung ano ang isa sa pinaka importanteng prinsipyo ni papa na nais kong malaman ninyo. Kung gusto natin ng pagbabago, sana ay matulungan din na maibalik sa posisyon si papa.

Wala kami madaming maipapangako, kundi ang isang tunay at tapat na panunungkulan sa bayan. Ano pa at naparangalan siya ng DANGAL NG BAYAN AWARD noong 1990s...

Kung kayo po ay naniniwala sa kakayahan ng aking ama, please, share this note para malaman din ng iba nating kababayan...

pero kung hindi, okay lang po. at least ginawa ko ang aking share para kay papa at para sa bayan.Salamat po!

EFREN MALANA ABARIENTOS, Jr.