After two long years of waiting and wanting, I was able to re-visit the Chapel of Our Lady of Guadalupe in Buraguis, Legaspi City.
Pupunta kasi ako sa Regional Office ng CSC sa Rawis, Legaspi City to get my Certificate of Eligibility since kaipuhan ko siya sa work. Then sabi ko, since na papunta lang naman ako ng Legaspi, why not visit na din at the same time the Chapel of Our Lady of Guadalupe. So yun, niyaya ko si Papa to accompany me pagpunta dun, hindi ko kasi kayang mag solo papunta dun, and he willingly agreed naman. Thanks Pa!
So as early as 5:00 am yesterday, umalis kami ng Naga. Sa biyahe palang, nakaidlip na ako kasi super kulang yung tulog ko. Effort ang gumising ng maaga for me. He-he-he. Then nung nagising ako, I saw the majestic Mt. Mayon. Medyo unti-unti nang nawawala ang pagiging perfect cone nito because of the constant eruption. Picture dito, picture don.
Nung nasa terminal na kami, picture ulit sa Mt. Mayon, he-he-he, then sakay na agad ng jeep papuntang Rawis. Dun, kinuha ko agad yung Certificate ko and diretso naman ngayon sa pinaka hihintay ko, ang bumalik sa chapel ng Guadalupe.
Napuntahan ko ang Chapel nung minsan na mag tour kami sa Legaspi ng Filipino Class ko. And talagang nag enjoy ako sa chapel na iyon. Super serene ang lugar and breath taking a view sa itaas. Hindi ko naman talaga actually plan na bumalik pa doon, pero nung 2007, nag palit ng Patron Saint and Market and ang Guadalupe ang ipinalit from Fatima. So yun, naalala ko ang Chapel sa Legaspi and so I decided to come back.
Sakay kami ng jeep from the ROV na ang route ay B. I dunno kung ano difference, basta sabi nung napagtanungan namin, B raw ang sakyan namin. So, yun, sakay naman kami ni Papa sa Route B na jeep with the instruction na ibaba kami sa sakayan ng trycicle en route to Buraguis Hill.
So yun, baba kami ng jeep and lipat ng trike. Siguro after one minute, kita ko na yung Giant Image ng Guadalupe sa tuktok ng Hill. Langya, ang lapit lang pala! Lol! Pero okay lang, kasi super init! He-he-he.
Akyat naman ang drama namin ni Papa ngayun, and biruin mo yun, nung nasa itaas na kami, sabihan ba naman akong 105 steps daw yung inakyat namin! Sabi ko naman, talagang binilang mo pa? And kung hindi ka ba naman matawa sa sagot na "Just for fun!" Oh, laban ka jan?! He-he-he.
Pero nung dumating kami sa taas, biruin ninyo ulit, close yung chapel! Huwaaaaaaaat? Pero binuksan din lang naman nung caretaker pagkakita sa amin. And talagang pagka bukas, shame, reflect agad sa akin yung light from the inside! Super touched ako and super gaan ng feeling nung naka pasok na ako. I remember yung nakasulat sa labas ng chapel saying:
"Let this be a sanctuary for troubled souls..."
Relax na relax ako. Ang gaan sa feeling nung naka pasok na ako. I prayed and I mean really, really prayed. Then after, picture galore.
Then kuwentuhan kami nung caretaker, sabi niya, yung may-ari nung chapel, died of cancer and madaming mga plans ang hindi na natuloy because of her death. Yung dalawang anak naman niya, hindi na pinagpatuloy yung nasimulan ng ina nila and nalungkot ako dun. Tinignan ko buong paligid and I realized na medyo napabayaan na nga talaga ito compared nung first time na pumunta ako doon.
Picture galore din ako sa labas and I even went upclose sa giant image ng Guadalupe sa tuktok...
After sigurp mga 30 minutes, umalis na din kami with the intention na bumalik sa December 12 sa Fiesta niya.